^

Police Metro

Bodyguard ng vice mayor todas sa motor

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bodyguard ng vice mayor ng Pasay City ang nasawi matapos na sumemplang ang sinasakyan nitong motorsiklo sa EDSA kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Romeo Pugay, 46-anyos, may-asawa, residente ng no. 143 F. Cruz St., Pasay City at bodyguard ni Vice-Ma­yor Marlon Pesebre.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay mi­namaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (UT-4820) sa kahabaan ng EDSA patungo sa Taft Avenue at pagdating sa tapat ng DLTB Bus Terminal ay nawalan ito ng kontrol at sumemplang.   

Agad na nirespondehan ng Pasay City Rescue Team ang biktima at unang isinugod sa Pasay City General Hospital bago ipinalipat sa San Juan De Dios Hospital at dakong alas-11:56 ng gabi ay nalagutan ito ng hininga.

vuukle comment

BUS TERMINAL

CRUZ ST.

MARLON PESEBRE

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY RESCUE TEAM

ROMEO PUGAY

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with