^

Police Metro

Dinukot at binigti na ginang himalang nabuhay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinuturing ng isang 32-anyos na ginang na siya ay binigyan pa ng Diyos ng pangalawang buhay matapos himalang makaligtas sa pagbibigti sa kanya ng tatlong lalaki na dumukot sa kanya matapos pagnakawan kamakalawa sa Brgy.Anabu, Imus, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang nakaligtas na biktima na si Rosalinda Tanodtanod, may-asawa residente ng Blk.11, Lot 3, Parkdale Classic Subd., Brgy  Anabu 1-A Imus City, Cavite.

Agad namang nadakip ang isang suspek sa isang follow-up operation na kinilalang si Robortson Bautista 31, alias Totie may asawa at residente ng # 17, Brgy. Anabu 2 –B, Imus, Cavite habang ang dalawang kasama nito na ang isa ay nakilala sa alyas Jacquelyn ay patu­loy na pinaghahanap.
Batay sa report ng pulisya, dakong alas-3:00 umano ng madaling-araw nang dukutin ng mga suspek  ang biktima sa Brgy. Anabu 2-B.

Dito ay tinalian ang biktima ng alambre sa  dalawang kamay at leeg at tuluyang sinakal at nagkunwaring patay na.

Dahil sa pag-aakala ng mga suspek na patay na ang biktima ay itinapon ito sa madamong bahagi at kinuha ang kanyang mga alahas, pera, cell phone at iba pang mahahalagang gamit.

Nang makaramdam siya na wala na ang mga suspek ay mabilis siyang gumapang at humingi ng tulong.

vuukle comment

A IMUS CITY

ANABU

BATAY

BRGY

CAVITE

DAHIL

PARKDALE CLASSIC SUBD

ROBORTSON BAUTISTA

ROSALINDA TANODTANOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with