^

Police Metro

2 bebot utas sa 3 kelot

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Inatado nang saksak ang dalawang babae ng tatlong lalaki na kanilang nakatalo sa gitna ng kalye kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Nasawi noon din ang biktima na nakilalang si Aranza Mendez, nasa hustong gulang, residente ng Valley 6, ng lungsod habang hindi na umabot ng buhay sa Las Piñas District Hospital ang kasamahan nito na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3:00 ng madaling-araw ay magkakasamang nagla­lakad ang mga biktima at suspek sa kahabaan ng Canaynay Road nang magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo sa hindi pa malamang dahilan.

Isang residente sa lugar na nakilalang si Marina Villamor, ang nagpahayag sa pulisya na nagising siya sa pagsisigawan ng mga babae at lalaki.  

Kaya’t sinilip niya ang mga ito at nakita na bumunot ng patalim ang mga lalaki at sunud-sunod na inundayan ang dala­wang babae bago nagsitakas.

Hinala ng pulisya na may kaugnayan sa droga ang pagtatalo ng mga biktima at suspek dahil sa may dati ng record na kaso sa iligal na droga ang nasawing si Mendez.

vuukle comment

ARANZA MENDEZ

CANAYNAY ROAD

DISTRICT HOSPITAL

HINALA

INATADO

ISANG

LAS PI

MARINA VILLAMOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with