^

Police Metro

2 Trader, sekyu utas sa tandem

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang negos­yante, kabilang ang isang Indian national at isang security guard ang binaril at napatay ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Calauan, Laguna at Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Palwinder Singh, 52, Indian national, residente ng Sta. Fe Subdivision, UP Los Baños, Laguna at kasosyo nito sa negosyo na si Riz La­zarte, 32-anyos ng Sitio Riverside, Batong Malaki, Los Baños.

Batay sa ulat, dakong alas-12:45 ng tanghali ay minamaneho ni La­zarte ang motorsiklong Suzuki (4093-DE) angkas si Singha. (ang dalawang biktima ay magkasosyo sa negosyong 5-6.) at bina­baybay ang kahabaan ng national highway, Brgy. Masiit, Calauan ng lalawigang ito dakong alas-12:45 ng tanghali nang sundan ng mga salarin na magkaangkas din sa motorsiklo. Nilagpasan ng mga suspek ang mga biktima at saka pinagbabaril nang sunud-sunod.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad  nilang ikinamatay.

Sa Quezon City, isang security guard na si Tadeo Talan, 33-anyos, ang hindi umabot ng buhay sa ospital matapos barilin din ng mga suspek sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa tapat ng Corintian Village, EDSA, malapit sa Ortigas Avenue, Brgy. Ugong, ganap na alas- 10:00 ng gabi.

Wala namang nakakita sa aktwal na pamamaril sa biktima, subalit may CCTV camera umano sa lugar na maaaring makapagtukoy sa mga salarin.

Batay sa ulat, pauwi na si Talana, sakay ng kanyang Kawasaki rouser (6657-XP) motorcycle nang may dumating na motorsiklo lulan ang dalawang suspek at agad na pinagbabaril siya ng mga ito.

Kahit sugatan, nagawa pang makahingi ng tulong ang biktima sa security guard ng Corintian Village na si Danilo Gantiga Jr. at sinugod ng MMDA Rescue Team sa Medical City Hospital, pero idineklara rin itong dead-on-arrival.

vuukle comment

BATAY

BATONG MALAKI

BRGY

CALAUAN

CORINTIAN VILLAGE

DANILO GANTIGA JR.

LOS BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with