Mababa ang grado, pinagalitan ng magulang… UST coed nagsaksak sa sarili
MANILA, Philippines - Isang 21-anyos na babaeng estudyante ng University of Sto.Tomas ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagsaksak sa sarili sa loob ng kanyang kuwarto kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ang biktima na namatay habang ginagamot sa National Kidney Institute ay nakilalang si Claire Jennifer Rodel, physical therapy student sa nasabing unibersidad at residente ng Barangay Bahay Toro, Project 8 ng lungsod.
Sa imbestigasyon nina SPO1 Pascual Fabreat at PO2 Julius Ceasar Balbuena, ganap na alas-10:15 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang nakababatang kapatid na duguang nakasubsob sa kama.
Ayon sa kapatid, nag-aalmusal siya nang maalala ang biktima dahil tanghali na ay hindi pa ito bumabangon kung kaya’t pinuntahan niya ito sa kuwarto upang yayain na mag-almusal.
Ganun na lamang ang pagkagulat nito nang makita ang kapatid na duguan.
Agad itong humingi ng tulong sa mga kaanak at dinala sa nasabing pagamutan at dakong alas-11:04 nang ito ay malagutan nang hininga habang nilalapatan ng lunas.
Isang suicide note ang iniwan ng biktima na hindi na sinabi ng mga pulis ang nilalaman sa pakiusap na rin ng pamilya.
Natagpuan din malapit sa katawan ng biktima ang isang duguang kutsilyo na posibleng ginamit sa pagsaksak sa sarili.
Ayon sa imbestigasyon na bago ang insidente ay pinagalitan umano ng kanyang magulang ang biktima dahil sa umano’y mababang grado at ang relasyon nito sa kanyang nobyo.
Inaalam ng pulisya kung ang dahilang ito ang siyang nagtulak sa biktima para tapusin nang maaga ang buhay.
- Latest