^

Police Metro

‘BCJ member’ pinabulagta

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Bumulagta ang isang 25-taong gulang na miyembro ng Batang City Jail (BCJ)  nang barilin ito ng kanyang nakaaway sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Deomavic Lagrimas, residente ng Basan St., Quaipo, Maynila.

Si Lagrimas ay sinasabing miyembro ng BCJ at isang kilabot na snatcher na matagal nang labas-masok sa kulungan dahil sa mga kasong robbery at snatching.

Hindi pa nakikilala ang salarin ni Lagrimas na mabilis na tumakas matapos ang krimen sakay ng isang motorsiklo.

Sa ulat  ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng Mamon Luk Restaurant, sa Quezon Boulevard, Quiapo, Maynila.

May nakakita sa bikima na nakikipag-away at nang maglakad na papalayo ay sinundan siya ng suspek na sakay ng motorsiklo.

Dinikitan umano ng suspek ang biktima at pinagbabaril sa ibat-ibang bahagi ng katawan bago mabilis na tumakas.

vuukle comment

BASAN ST.

BATANG CITY JAIL

BUMULAGTA

DEOMAVIC LAGRIMAS

JONATHAN BAUTISTA

MAMON LUK RESTAURANT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

QUEZON BOULEVARD

SI LAGRIMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with