^

Police Metro

Suspek sa Maguindanao masaker napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaki na kabilang sa mahigit 100 suspek sa Maguin­danao massacre ang nasawi matapos itong manlaban sa  mga otori­dad habang isa ang naaresto sa isinaga­wang operasyon sa Datu Unsay, Maguin­danao kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Maguid Amil, 42-anyos.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:00 ng hapon ay nagtungo ang mga operatiba ng CIDG, Army’s 1st Mechanized Infantry Battalion  upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Amil na kabilang sa may 196 Private Armed Groups (PAGs) na inorganisa ng maimplu­wensyang angkan ni da­ting Maguindanao Go­vernor Andal Ampatuan Sr. upang isagawa umano ang madugong massacre sa mga kalaban nila sa pulitika noong 2009 na ikinasawi ng 57 katao na karamihan ay mga newsmen.

Nabatid na sa halip sumuko ay naghagis ng granada si Amil sa mga otoridad na suwerteng hindi pumutok.

Dito na nagpaputok ng kanyang cal .45 pistol ang suspek sa arresting team na nagresulta sa palitan ng putok sa mag­kabilang panig hanggang sa duguang bumulagta ang suspek na dinala sa  Maguindanao Provincial Hospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Bandang alas-4:00 naman ng hapon nang masakote naman ang isa pang suspek sa masaker sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court (RTC ) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes na kinilalang si Nasser Guia, 45-anyos sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

 

ANDAL AMPATUAN SR.

DATU ODIN SINSUAT

DATU UNSAY

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

MAGUID AMIL

MAGUIN

MAGUINDANAO GO

MAGUINDANAO PROVINCIAL HOSPITAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with