^

Police Metro

12-anyos tinext muna bago kinidnap, nakatakas

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinidnap ng isang la­laking  sakay ng motor­siklo ang isang 12-anyos na batang babae kahapon ng madaling-araw at habang humihingi ng ransom ay nagawang makatakas ito sa Calo­ocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay nakatanggap ng text ang biktima na itinago sa pangalang Eliza, nakatira sa 7th Ave­nue ng  lungsod mula sa suspek na  nagpanggap itong  tatay niya.

Nakalagay sa text message na natanggap ng biktima ay pinalalabas siya sa bahay.

Sa pag-aakala ng biktima na tatay niya ang kanyang ka-text ay lu­mabas ito ng bahay na siya namang pagdakma sa kanya ng suspek.

Agad na binusalan ang biktima at iginapos ang mga kamay at isinakay sa motorsiklo ng suspek.

Ilang minuto ang nakalipas ay kinontak ng suspek ang magulang ng biktima at humingi ng P500,000 ransom money bilang kapalit ng kalayaan ng biktima.

Habang nakikipag-usap ang suspek sa magulang ng biktima ay nagawa nitong maka­takas hanggang sa nakauwi ito ng kanilang bahay at isinalaysay nito sa mga kaanak ang insidente.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.

 

vuukle comment

BIKTIMA

CALO

ELIZA

HABANG

ILANG

INAALAM

KINIDNAP

NAKALAGAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with