Nurse inaway ng nobyo, nagbigti
MANILA, Philippines - Winakasan ng isang nurse ang buhay sa paÂmamagitan nang pagbibigti kahapon ng umaga matapos na sila ay mag-away ng kanyang nobyo sa Quezon City.
Ang biktima na natagpuang nakabigti sa kuÂ-warto ng kanilang bahay ay nakilalang si Eufrocina Amor Agustin, 23.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:10 ng umaga nang puntahan ito ng kanyang ama na si Mang Eduardo sa kuwarto para gisingin dahil sa papasok ito sa Qurino Memorial Medical Center.
Nagtataka si Mang Eduardo na hindi siya pinagbubuksan ng pinto ng anak kung kaya’t nagpasya itong kunin ang reserbang susi.
Nang mabuksan ang pinto ng kuwarto ay ganun na lamang ang pagkabigla ni Mang Eduardo nang makita ang anak sa likod ng aparador na ito ay nakabigti gamit ang kumot.
Nabatid ng pulisya na ang biktima at nobyo nito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa hindi pa malamang dahilan.
- Latest