2 pekeng reporter arestado sa kotong
MANILA, Philippines -Dalawang nagpakilalang mamamahayag at nananakot na magbubulgar ng anomalya sa isang gobernador at humihingi ng malaking pera ang nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment operation.
Ang mga suspek ay kinilaÂlang sina Dominador P. Narit, Jr., may-asawa at residente ng no. 407 B 2nd St., Sampaloc, Maynila; at Joel N. Yjares, may-asawa, ng B-18 L-12 Asamba Compound, Baesa, Quezon City.
Batay sa ulat, humingi ng saklolo sa NBI ang biktimang si Northern Samar Governor Paul R. Daza hinggil sa panghihingi umano ni Narit ng P1-milyon.
Una umanong nakilala ni Daza si Narit noong 2012 at nagpakilala na isa siyang “Donmar Jonesâ€, na producer ng GMA-7 at bago umano ipalabas ang expose na may titulong “Las Navas HCAAP issue road anomaly†ay hiniling kay Daza na magkita sila.
Ang nasabing documentary umano ay idaragdag lamang umano sa mga naunang documentary accomplishment ni Daza sa lalawigan.
Kung magbibigay umano ng P1-M si Daza ay hindi na ilalabas sa TV, internet websites at social media ang expose.
Noong Enero 24, nakatanggap pa ng text message si Daza at ibinaba ang halaga sa P350,000 at sa paulit-ulit na pag-uusap ay pumayag umano ang suspek na P50-libo kaya napagkasunduan na magkita sa isang hotel sa Pasig noong Enero 31, 2013 kung saan nadakip ang dalawa ng mga NBI.
- Latest