^

Police Metro

Obrero patay sa pulis na tinalo sa suntukan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi umano kinaya ng isang pulis sa suntukan ang nakaaway na construction worker na umano ay malaki ang pangangatawan kung kaya’t kumuha ng baril at pinagbabaril ito naganap kamakalawa sa Quezon City.

Namatay ang biktimang si Asisdo Pascual Jr., 32,residente ng Brgy. E. Rodriguez, sa lungsod dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan at isa ay sa ulo.

Ang suspek na sumuko ay kinilalang si PO2 Joelon Rafael, 37, nakatalaga sa QCPD, at residente ng Brgy. Botocan sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3:45 ng hapon ay nakita ng saksing si Rogelio Quirit na nagsusuntukan ang suspek at biktima sa may Stanford St., kanto ng New York St., Cubao, Brgy. E. Rodriguez.

Dahil malaki at matipuno ang biktima ay hindi ito nakaya ng suspek na tumakbo.

Ilang sandali ay bumalik ito na may dalang baril at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa katawan.

Pero,kahit sugatan, nagawa pang makipagpambuno sa baril ang biktima laban sa suspek hanggang sa pumutok ito at tamaan sa ulo ang una.

Agad na tumakas sakay ng motorsiklo ang suspek kasama ang kanyang 15-anyos na anak na lalaking pipi at bingi papalayo sa lugar.

Itinakbo naman sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ang biktima ngunit idineklarang patay bandang alas-6:30 ng gabi. -

 

vuukle comment

ASISDO PASCUAL JR.

BATAY

BOTOCAN

BRGY

JOELON RAFAEL

NEW YORK ST.

QUEZON CITY

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

ROGELIO QUIRIT

STANFORD ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with