^

Police Metro

Delivery truck tinangay ng baguhang driver

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa P150,000 halaga ng kargamento at delivery truck na mula sa bodega sa Balut, Tondo, Maynila ang tinangay ng isang driver na bagong pasok lang sa isang cargo shipping company  noong nakalipas na Enero 28.

Nito lamang Biyernes, inireport ng kinatawan ng JDC Cargo Company, sa Honorio Lopez Boulevard, Balut, Tondo na si Robert Sy ang pangyayari.

Inireklamo nila ang suspek na si Wilven Masalta Y Gilbuena, nasa hustong gulang, may-asawa ng Longos, Malabon City ay may 10 araw pa lamang na nag-aplay bilang driver at inutusan nilang ideliber ang  mga produktong silicon, picture frame at mga bola ng pingpong na aabot sa halagang P150,000. na sakay ng 6 wheeler na Isuzu closed van (PIS-469).

Iimbestigahan din ang pahinante na si Jerome Quipanes, 23, ng no. 96 Tonsuya St., Malabon City na umano’y nagrekomenda sa suspek bilang driver.

BIYERNES

CARGO COMPANY

ENERO

HONORIO LOPEZ BOULEVARD

IIMBESTIGAHAN

INIREKLAMO

JEROME QUIPANES

MALABON CITY

ROBERT SY

TONSUYA ST.

WILVEN MASALTA Y GILBUENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with