^

Police Metro

US Nuclear submarine dumaong sa Subic

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumating kahapon ng alas-8:19 ng umaga sa Subic Freeport ang US nuclear submarine USS Cheyenne (SSN 773) para sa isang “routine port visit.”

Ang naturang  submarino na may habang 110 metro ay kabilang sa Los Angeles-Class submarine at may kabuuang 129 na mga crew at officer.

Itinuturing na isa sa pinakamabagsik na attack submarine sa mundo ang USS Cheyenne na pinatunayan ang naging papel nito sa paglulunsad nang pag-atake sa Iraq noong 2003 dahil sa armado ito ng mga armas kabilang ang harpoons, Tomahawk missiles at torpedo.

Ayon sa US Embassy sa Maynila, ang USS Cheyenne na nakatalaga sa US 7th Fleet na nakabase naman sa Pearl Harbor, Hawaii, ay umalis sa nabanggit na Estado noong Disyembre at pumasok sa dating US Naval Base sa Zambales para magkarga ng supply nito.

Pagkakataon na rin umano ito para sa rest and recreation activities ng mga tripulante.

 

AYON

DISYEMBRE

DUMATING

ITINUTURING

LOS ANGELES-CLASS

MAYNILA

NAVAL BASE

PAGKAKATAON

PEARL HARBOR

SUBIC FREEPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with