Ex-mayor na inaresto sa pagpatay, na-ospital
MANILA, Philippines - Sa halip na sa presinto dalhin matapos na arestuhin ang isang dating mayor ng Gapan, Nueva Ecija ng mga otoridad ay dinala ito sa ospital matapos na mahirapang huminga.
Ang suspek na inaresto ng mga otoridad dahil sa kasong multiple murder sa Manila Regional Trial Court ay nakilalang si Ernesto Natividad, 58-anyos.
Si Natividad ay nahaharap sa kasong multiple murder kaugnay sa pagpatay sa magkapatid na Ericson at Ebertson Pascual at 3 iba pa sa isang sabungan sa lalawigan noong taong 2006 na nakatakda sanang ikulong sa Manila City Jail.
Subalit, sahalip na dalhin sa MCJ ay itinakbo ang dating alkalde sa emergency room ng Medical Center Manila (MCM) ito dinala.
Nabatid na sumasailalim sa dialysis si Natividad sa Urology Center ng Philippine Kidney Institute nang siya ay arestuhin ng mga otoridad.
- Latest















