3 sunog sa Maynila
MANILA, Philippines - Tatlong insidente ng sunog sa Maynila sa loob lamang ng isang araw ang naitala.
Unang insidente ang paglamon ng apoy sa sampung kabahayan sa Masangkay St., Sta.Cruz, Maynila, dakong ala-1:04 ng madaling araw kahapon na tumagal lamang ng 30 minuto at tinatayang nasa P300,000 ng ari-arian ang napinsala at 20 pamilya ang naapektuhan.
Pagkalipas ng humigit kumulang na kalahating oras ay tatlong bahay naman sa Balic-balic, Sampaloc ang nasunog at dakong alas- 3:00 ng madaling-araw nang ideklarang fireout
Kahapon ng hapon dakong ala-1:10 na isang bodega ng mga tela sa panulukan ng Juan Luna at Perla Sts., sa Tondo na pag-aari ng isang Daisy Ong ang nasunog na umabot sa ikatlong alarma.
- Latest
















