Isa sa nangholdap sa Western Union sa Parañaque, nadakip
MANILA, Philippines - Isa sa anim na suspek na nangholdap sa Western Union sa Parañaque City ang nadakip matapos ang isinagawang follow-up operations ng mga otoridad.
Ang suspek ay kinilalang si Melvin Labastida, 32, ng Saint Joseph Subdivision, Bacoor City, Cavite.
Nabatid na si Labastida ay nagtratrabaho bilang promodiser sa SM Bacoor ay nasakote bandang alas-3:15 ng hapon nitong Huwebes ng mga miyembro ng binuong Task Force Western Union.
Positibong kinilala ng mga testigo ang kulay red/black na motorsiklo (WQ 3132 ) ni Labastida na ginamit na getaway vehicle sa naganap na robbery /holdup sa Western Union na natangayan ng P 60,000 noong Enero 29 dakong alas-10:15 ng umaga.
Lumilitaw sa imÂbestigasyon na dalawa sa mga suspek ay nagpanggap na kustomer habang apat naman sa mga kasamahan ng mga ito ang nagsiÂlbing lookout sa nasabing holdapan at maliban sa P60,000 cash ay tinaÂngay din ng mga suspek ang mga cellular phone at wallet ng mga empleyado at kustomer gayundin ang baril ng security guard.
Ang mga suspek ay armado ng baby armalite, carbine gun, cal 9 MM at cal .45 pistol na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo bago pa man dumating ang mga nagrespondeng elemento ng Parañaque City Police.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Labastida.
- Latest















