Bibitayin na Pinoy tinubos ng Saudi govt.
MANILA, Philippines - Ang mismong pamahalaan ng Saudi Arabia ang tumubos sa buhay ng bibitaying overseas Filipino worker na si Rogelio “Dondon†Lanuza matapos na akuin ang 2.3 milyon Saudi Riyals na bilang pantapal sa kakulangan sa kanyang P30 milyong blood money.
Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, matapos na ipabatid ng Embahada ng Saudi Arabia sa Maynila sa DFA ang pagbibigay ng nasabing halagang donasyon para kay Lanuza na may 12 taon nang nakakulong sa Dammam Jail matapos na mahatulan ng kamatayan dahil sa pagpatay sa isang Saudi national.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamahalaan sa pamamagitan ng DFA sa Saudi government dahil sa ipinakitang kabutihan kay Lanuza upang ganap na makakuha ng tanazul o affidavit of forgiveness mula sa pamilya ng biktima.
Ang Pilipinas ay naglaan ng mahigit P4 milyon para sa blood money habang umaabot sa P24.9 milyon (2.3SR) mula sa Saudi government.
Sinabi naman ni Ambassador Ezzedin Tago ng PH Embassy sa Riyadh na bagaman inianunsyo na ng Saudi government ang pagbibigay ng blood money para kay Lanuza ay kailangan na lamang antayin nito ang “release order†ng Saudi court upang ganap nang siyang makalaya at makauwi sa Pilipinas.
- Latest

















