Bata kinidnap ng ginang na ex-lover ng tiyuhin
MANILA, Philippines -Kinidnap ng isang 53-anyos na ginang ang isang 3-anyos na batang babae na pamangkin ng dati nitong live-in partner bilang ganti sa pakikiÂpaghiwalay sa kanya.
Nasakote ng pulisya ang suspek na si Nelda Diwa, 53, residente ng Brgy. Nagkaisang Nayon, Quezon City sa Baliwag Bus Terminal dala ang batang biktima na itinago sa pangalang Michelle kahapon ng alas-7:40 ng umaga.
Batay sa ulat, dumulog ang mga magulang ng bata sa pulisya at inireklamo ang pagdukot ng suspek sa kanyang anak noong Enero 23 sa Puregold Supermarket sa Paso de Blas,Valenzuela City.
Sa testimonya ng ina ng biktima na si Maria Inguito, 22-anyos ng Brgy. Canumay West, Valenzuela City bandang alas-3:30 ng hapon nang sunduin silang mag-ina ng suspek sa kanilang bahay upang mag-grocery umano.
Pumayag naman ang ginang dahilan kilala niya si Diwa bilang dating kasintahan ng kaniyang pinsang si Albert Talamo.
Habang nasa counter ang ginang ay kinuha ni Diwa ang kaniyang anak dahilan nakaliÂmutan umano itong ibili ng chocolates at simula noon ay hindi na nagpaÂkita at nabigo rin nila itong matagpuan sa tinutuluyan nitong bahay sa Muñoz, Quezon City.
Nitong Huwebes ng gabi ay nakatanggap ng text message ang mag-asawa sa suspek na nag-demand na tulungan siyang makiÂpagbalikan kay Talamo at kung hindi ay papatayin ang kanilang anak.
Sa tulong ng mga otoridad ay nakipag-deal ang mga magulang ng bata sa suspek na tatalima sa demand nito na isasama ang kaniyang ex-lover at dito na isinagawa ang entrapment operation sa bus terminal.
Hindi na nakapalag ang suspek matapos na makorner ng mga operatiba ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto rito at pagkakaligtas sa paslit.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 2, Article 270 o ang kidnapping of minor laban sa suspek.
- Latest




















