^

Police Metro

PUP Coed nagbigti

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 17-anyos na kolehiya ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Dinala pa sa Ospital ng Maynila, ngunit idineklara na ring patay ang biktimang si Rita Joy Bautista, 2nd year student ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Maynila, at residente ng no. 1407 Interior I Gabriel St., Brgy. Baclaran, ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi ay paulit-ulit na kinakatok ng ina na si Jenny Rose ang pinto ng kuwarto ng anak, ngunit hindi ito sumasagot kaya puwersahang binuksan ang pinto at bumulaga ang nakabigting biktima.

Ayon sa mga magulang na may kinakaharap umanong problema sa kanyang pag-aaral ang kanilang anak na hindi naman nito ipinagtatapat.

Wala namang nakitang suicide note ang mga pulis sa silid ng biktima at wala ring ibang sugat bukod sa marka ng bigti sa leeg nito.

 

AYON

BACLARAN

BATAY

BRGY

INTERIOR I GABRIEL ST.

JENNY ROSE

MAYNILA

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

RITA JOY BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with