^

Police Metro

Kuta ng mga holdaper ng Megamall sinalakay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsagawa nang magkakahiwalay na pagsalakay ang may 120 pulis buhat sa iba’t ibang units ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Southern Police District (SPD) sa iba’t ibang lugar sa Taguig City target ang mga suspek na nanloloob sa jewelry store sa SM Megamall.

Binubuo ang mga pulis buhat sa Special Weapons and Tactics unit, Public Safety Batallion ng SPD at NCRPO ang sumala­kay sa Upper Bicutan at Maharlika Village sa Taguig City kahapon ng madaling araw na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga suspek.

Target ng pulisya na maaresto ang mga personalidad na sina Crisolito Unito; Alex Demalen, ng Upper Bicutan; Nasrudin Andal at Tho Mangulamas, ng Maharlika Village.  

Batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera ng mall, pinaniniwalaang si Unito ang holdaper na nakasuot ng pu­ting t-shirt at sumbrero. May warrant of arrest ito sa kasong robbery mula sa Zamboanga RTC at huling address nito ay sa bahagi ng Maharlika Village.  Kamukha rin umano nina Demalen, Andal at Mangulamas ang tatlo pang suspek na nakita sa CCTV footage.

Ngunit makaraan ang ilang oras na paggalugad sa mga lugar na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga suspek, nag-negatibo ang mga pulis nang hindi matagpuan ang kanilang mga target.

ALEX DEMALEN

CRISOLITO UNITO

MAHARLIKA VILLAGE

NASRUDIN ANDAL

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PUBLIC SAFETY BATALLION

TAGUIG CITY

UPPER BICUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with