^

Police Metro

Mataas na parusa sa driver na lasing at lango sa droga

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong buwang pagkabi­langgo at multang mula P20,000 hanggang P80,000 sa mga mahuhuling nagmamaneho ng lasing o lango sa ipinagbabawal na droga na nakasaad sa panukalang batas na nakalusot na sa Senado.

Ayon kay Senator Gregorio Honasan, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous at may akda ng panukalang batas na tatawa­ging Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2012 sa sanda­ling maging ganap na batas.

Ang parusa ay ipapataw kahit pa walang nasaktan o naaksidente habang nagmamaneho ang suspek.

Kung makakaaksidente naman ang violator na magreresulta sa physical injuries, ito ay papatawan ng pagkabilanggo ng tatlong buwan hanggang 12 taong pagkabilanggo at pagbabayarin ng multang mula P100,000 hanggang P200,000 depende sa pinsalang matatamo ng biktima.

 Pero, kung makakapatay ang violator dahil sa aksidente, ito ay papatawan ng parusang pagkabilanggo ng 12 taon hang­gang 20 taon at mul­tang mula P300,000 hanggang P500,000.

Bukod pa dito kukumpiskahin din ang lisensiya ng mga lalabag sa loob ng isang taon, at kung muli itong gagawa ng kasalanan o magmamaneho ng lasing o lango sa droga ay ha­bambuhay na siyang tatanggalan ng driver’s license.

Para sa mga violators na nagtataglay ng professional driver’s license, ang lisensiya ng mga ito ay habambuhay ng babawin sa unang conviction pa lamang.

Bukod pa dito magkakaroon na rin ng mandatory alcohol at drug testing sa mga dri­vers na nasangkot sa aksidente na nagresulta sa pagkasugat o pagkamatay ng kanilang biktima.

Sa datos na ipinalabas ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) noong nakaraang taon, umabot sa 86,602 vehicular accidents ang naitala sa bansa kung saan tatlong por­siyento dito ay drug o alco­hol related, samantalang 55 porsi­yento ay dahil sa “driver’s error”.

 

AYON

BUKOD

DRIVING ACT

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

PUBLIC ORDER AND DANGEROUS

REGULATORY BOARD

SENATE COMMITTEE

SENATOR GREGORIO HONASAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with