^

Police Metro

Pagsangla sa sasakyan pinagtalunan: 1 patay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa loob mismo ng isang sasakyan na balak isangla nasawi ang isang trike driver matapos na saksakin ito ng kasama na nairita dito kamakalawa sa Quezon City.

Ang biktima na nama­tay noon din dahil sa isang saksak sa dibdib ay na­ki­lalang si Noel Abenir, 34, tricycle driver ng # 346 Patricio Drive, Deparro, Ca­loocan City.

Hindi muna ibinunyag ng pulisya ang pangalan ng suspek na umano ay lover ng isang bading na siyang may-ari ng Honda CRV (XNG-268) na balak isangla ng suspek sa bik­ti­ma.

Batay sa imbestigas­yon, bago nangyari ang krimen dakong alas-3:15 ng hapon sa kahabaan ng P. Tuazon Blvd., Cubao, Quezon City ay magkakasama para magsugal sa casino ang biktima, suspek at dalawang iba pa na nagdesisyon na isangla ang sasakyan para magkapera na gagamitin sa pagsusugal nila sa casino.

Posible, anyang hindi nagustuhan ng biktima ang balak ng suspek at dalawang iba pa na isangla ang sasakyan na pagmamay-ari ng isang Marlon Draga, umano’y bading at lover ng suspek kung kaya’t nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Nagpaalam ang suspek na may kukunin na mga ID para gamitin sa pagsasangla sa kanilang bahay na malapit lang sa pinagparadahan ng sasakyan.

Ilang minuto ang na­kalipas ay bumalik ang suspek at pagpasok sa sasakyan ay bigla na lamang nitong sinaksak ang biktima sa dibdib.

Sa takot naman ng da­lawang kasama sa sa­sakyan ay nagsipagba­baan ang mga ito at tumakas sa takot na sila ay mapatay din ng suspek.

Hinihintay na lang ng mga pulis ang paglitaw ng dalawang kasama sa sasak­yan na siyang magiging testigo laban sa suspek na pinaghahanap na ngayon ng mga pulis.

 

BATAY

CUBAO

DEPARRO

DRAGA

NOEL ABENIR

QUEZON CITY

SHY

SUSPEK

TUAZON BLVD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with