^

Police Metro

60 na nag-iinuman sa kalye dinakip

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Animnapung (60) katao sa Caloocan City ang dinakip dahil sa pag­labag sa ipinaiiral na ordinansa na liquor ban sa lungsod na nagbabawal sa mga residente na uminom ng anumang nakalala­sing na inumin sa kalsada simula noong October  hanggang December ng nakalipas na taon.

Base sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri mula kay Chief of Police, Sr. Supt. Rimas Calixto, simula noong October hanggang December ay 60 katao na ang nakasuhan ng paglabag sa ordinance no 0937 series of 2005 na nagbabawal sa pag-inom ng anumang nakalalasing na inumin sa kalsada sa buong lungsod.

Ang mga nahuling residente na umiinom sa kalsada ay kinasuhan ng pulisya sa piskalya ng Caloocan City kung saan bukod sa pagmumulta ay makukulong pa ang mga ito ng dalawa hanggang isang taon depende sa magiging desisyon ng korte.

Ang pagpapatupad ng naturang ordinansa ay  naglalayong malimitahan ang mga nangyayaring gulo sa mga kalsada dahil sa pagkalango sa alak ng mga residente.

Papayagan lamang ang mga residente na uminom sa kalye sa mga espesyal na okasyon tulad ng birthday, baptismal, wedding, wedding anniversary, Pasko, Bagong Taon at iba pa ngunit kinakailangan pa ring kumuha ng permiso ang mga ito sa barangay na nakakasakop sa kanilang lugar isang linggo bago ganapin ang pagdiriwang.

Bukod dito, mahigpit ding ipinagbabawal ng nasabing ordinansa ang pagbebenta ng anumang klase ng inuming nakalalasing sa mga menor-de-edad at ang sinumang mahuhuling tindahan na lalabag dito ay maaari ring maharap sa parehas na parusa.

ANIMNAPUNG

BAGONG TAON

BUKOD

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CHIEF OF POLICE

RIMAS CALIXTO

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with