Doktor tupok sa sunog
MANILA, Philippines - Natusta sa sunog ang isang doktor matapos makulong ng apoy sa nasusunog na bahay sa isang subdibisyon sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay kinilaÂlang si Dr. Renato Orocio Sr., na tinatayang mahigit 60-anyos na halos hindi na makilala matapos na magmukhang uling ang bangkay nito.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:35 ng gabi nang maganap ang sunog sa bahay ng doktor na matatagpuan sa Block 3, St. Gabriel Subdivision, Brgy. Zone 3 ng lungsod.
Tinangka pa ng ilang mga kapitbahay ng doktor na iligtas ito matapos na magsisigaw sa paghingi ng saklolo sa bintana na may grills na bakal na hindi na nagawa ang nasabing pagtatangka dahil nababalutan na ng apoy ang buong kabahaÂyan.
Nabatid na nag-iisa sa loob ng kaniyang bahay ang biktima nang mangyari ang insidente .
Wala namang nadaÂmay na ibang kabahayan sa humigit kumulang na isang oras na sunog na naapula ng mga rumespondeng bumbero.
Patuloy ang imbestigasÂyon ng otoridad sa dahilan ng sunog na aabot sa mahigit P1-M ari-arian ang naabo.
- Latest