^

Police Metro

Bata dedo sa meningo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 4-anyos na ba­tang lalaki ang naiulat na nasawi sa sakit na meningococcemia kamakalawa ng gabi sa, Amang Rod­riguez Memorial Medical Center (ARMMC) sa Marikina City.

Ang bata na hindi na tinukoy ang kanyang pa­ngalan na taga-Rodriguez, Rizal ay nalagutan ng hi­ninga ganap na alas-9:46 ng gabi makalipas ang anim na oras na maisugod sa ARMMC.

Sinabi ni Dr. Paraluman Mendoza-Manuel, senior pediatrician ng ARMMC, apat na araw ng nilalagnat ang bata nang ito ay isugod sa paga­mu­tan.

Ayon kay Dr. Manuel, agad nilang sinuri ang bata, isinailalim sa laboratory test at doon nakumpirma na positibo sa sakit na meningococcemia makaraang maglabasan ang mga sintomas, tulad ng pagsusuka, pasa at mga rashes sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng pasyente.

Dahil sa pagkamatay ng bata kaya isinara ang emer­gency room ng AR­M­MC sa loob ng halos anim na oras at pansaman­talang inilikas ang ibang
pasyente sa lobby para hindi mahawa sa sakit.

Maging ang mga bantay at mga dumadalaw sa mga maysakit sa ARMMC ay nag-panic at mabilis na naglabasan sa ospital dahil sa takot na mahawa ng nasabing karamdaman.

vuukle comment

AMANG ROD

AYON

DAHIL

DR. MANUEL

DR. PARALUMAN MENDOZA-MANUEL

ISANG

MARIKINA CITY

MEMORIAL MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with