^

Police Metro

Guro arestado sa shabu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto sa isang buy bust operation ng mga otoridad ang isang lalaking guro sa pampublikong paaralan matapos na bentahan nito ang isang poseur buyer na ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa sa Quezon City.

Ang suspek ay kinila­lang si Arnulfo Remigio, alyas Kid, guro sa Amparo High School sa Caloocan City at residente ng Block 10, Lot 3, Carnation St., Capitol Park Homes II Subdivision, Caloocan City, .

“He [Remigio] is a secondary-level teacher and is supposed to be teaching and educating young people on the evils of drug abuse. But sad to say he is the one doing the drug-pushing,” wika ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang magsagawa ng buy bust ope­ration ang PDEA sa isang bahagi ng University of the Philippines (UP) Campus sa Commonwealth Ave­nue, Quezon City.

Nang iabot ng suspek sa isang nagpanggap na buyer ang shabu ay dito na ito inaresto ng mga mi­yembro ng PDEA na nakaantabay sa lugar.

Nakuha sa suspek ang ilang drug paraphernalias at ang P500 marked money.

Nabatid pa sa PDEA, na si Remigio ay nagbebenta ng shabu sa ilang kilalang gimikan, lalo na sa sentro ng information technology sa Commonwealth Avenue.

Ang suspek ay nakakulong na at ipinagharap ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

AMPARO HIGH SCHOOL

ARNULFO REMIGIO

CALOOCAN CITY

CAPITOL PARK HOMES

CARNATION ST.

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

COMPREHENSIVE DANGE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with