^

Police Metro

Nakawala sa handler… nene sinakmal ng aso sa leeg, todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa Wes­tern Medical Cen­ter  ang isang 9-anyos na ba­tang babae matapos itong lapain sa sakmal ng asong Belgian Malinois kamakalawa ng hapon sa Brgy. Pasonanca, Zamboanga City.

Ang biktima ay naki­lalang si Mariane Gonza­les, Grade IV pupil sa Pa­­sonanca Elementary School at residente ng Brgy. Cabatangan ng nasabing lungsod.

Nagtamo ang biktima ng grabeng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa kaniyang leeg at balikat na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Ladja Alwasser, dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Summer Hill Subdivision, Brgy. Pasonanca.

Nabatid na kasaluku­yan naglalakad ang biktima kasama ang tatlo pang kapwa nito batang mag-aaral sa nasabing subdibisyon pauwi sa ka­ni­lang bahay nang ma­kawala sa pagkakatali ang asong Belgian Malinois na pag-aari ng isang Geolar Tan nang ilabas ito sa gate upang pakainin ng dog handler na sina Joel Cañete at Arjay Sebreste.

Nabatid na nalagot ang tali sa leeg ng aso ma­tapos itong magwala at nagkataon namang nag­lalakad ang apat na bata sa lugar.

 Hinabol ng aso ang mga bata kung saan ang biktima ang inabutan matapos itong madapa at mahulog ang isang paa sa kanal at dito na sinakmal sa leeg at pagkatapos ay nilapa.

Nagkataon namang nasa Maynila ang may-ari ng aso kung saan ang mga tagapangalaga nitong sina Cañete at Sebrestre ang inaresto ng mga otoridad bunga ng insidente.

Hinihintay pa ng pulis­ya ang mga magulang ng biktima kung desidido ang mga ito na magsampa ng kasong reckless impru­dence resulting to homicide laban sa may-ari ng aso at dalawang caretaker nito.

vuukle comment

ARJAY SEBRESTE

BELGIAN MALINOIS

BRGY

ELEMENTARY SCHOOL

GEOLAR TAN

JOEL CA

LADJA ALWASSER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with