Lalaking dayo dinedo
MANILA, Philippines - Kamatayan ang suÂmaÂlubong sa isang lalaki sa pagdayo nito sa BaÂseco Compound, Port Area, Maynila nang matagpuan itong may tama ng bala sa ulo kahapon ng umaga.
Ang nasawi ay nakilaÂlang si Antonio Santos, residente ng no. 194 Rizal St., Poblacion VII, Cavite City.
Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga nang madiskubre ang nakahandusay at duguang biktima sa Block 1 Dubai, Baseco Compound, Port Area.
Naghahabol pa ito ng hininga kaya’t dinala sa ospital, subalit namatay din ito.
Malaki ang hinala ng pulisya na dayo lang sa lugar ang biktima dahil waÂlang residente na nakakakilala dito.
Wala pang matukoy na suspek ang mga otoridad.
- Latest
- Trending