Harassment lang! – LLDA chief

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Laguna Lake Deve­lop­ment Authority (LLDA) Gen. Manager Ne­reus Acosta na isang harassment lamang sa kanya at sa kanyang ina ang ipinalabas na war­rant of arrest ng San­digan­bayan.

Sinabi ni Acosta sa isang pulong balitaan na posibleng mga taong may ‘vested interest’ sa kan­yang posisyon na kanyang nasagasaan sa mahigpit na kampanya sa LLDA laban sa illegal mining at illegal logging ang nasa likod ng paninira sa kanya at sa kanyang inang si So­corro.

Iginiit ni Acosta na 12-taon na ang kasong perjury na kanyang
ki­na­kaharap noong siya pa ay first term pa lamang bilang Congressman ng Bukidnon at ang com­plainant umanong si Fr. Venancio Balansag ay inurong na ang de­manda laban sa kanya.

Hinihiling ni Acosta sa Sandiganbayan na maging patas sa kan­yang kinakaharap na kaso at tatalima ito sa proseso ng batas.

Ikinatuwa rin Acos­ta ang suporta at ti­wa­lang ibinibigay sa kanya ng Pangulong Benigno Aquino III na nagsabing handa ang chief executive na maglagak ng piyansa para sa kasong per­jury na kanyang kina­kaharap kung sakaling
siya ay ipaaresto ng San­diganbayan 5th Division.

Ayon naman sa aboga­do ni Acosta na si Atty. Lodel Parungao ay na hindi naman naituloy ng Sandiganbayan ang pag­papalabas ng warrant of arrest kaya nagsumite na sila ng apela para mapigilan ang paglabas ng warrant of arrest.

Show comments