Harassment lang! – LLDA chief
MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Laguna Lake DeveÂlopÂment Authority (LLDA) Gen. Manager NeÂreus Acosta na isang harassment lamang sa kanya at sa kanyang ina ang ipinalabas na warÂrant of arrest ng SanÂdiganÂbayan.
Sinabi ni Acosta sa isang pulong balitaan na posibleng mga taong may ‘vested interest’ sa kanÂyang posisyon na kanyang nasagasaan sa mahigpit na kampanya sa LLDA laban sa illegal mining at illegal logging ang nasa likod ng paninira sa kanya at sa kanyang inang si SoÂcorro.
Iginiit ni Acosta na 12-taon na ang kasong perjury na kanyang
kiÂnaÂkaharap noong siya pa ay first term pa lamang bilang Congressman ng Bukidnon at ang comÂplainant umanong si Fr. Venancio Balansag ay inurong na ang deÂmanda laban sa kanya.
Hinihiling ni Acosta sa Sandiganbayan na maging patas sa kanÂyang kinakaharap na kaso at tatalima ito sa proseso ng batas.
Ikinatuwa rin AcosÂta ang suporta at tiÂwaÂlang ibinibigay sa kanya ng Pangulong Benigno Aquino III na nagsabing handa ang chief executive na maglagak ng piyansa para sa kasong perÂjury na kanyang kinaÂkaharap kung sakaling
siya ay ipaaresto ng SanÂdiganbayan 5th Division.
Ayon naman sa abogaÂdo ni Acosta na si Atty. Lodel Parungao ay na hindi naman naituloy ng Sandiganbayan ang pagÂpapalabas ng warrant of arrest kaya nagsumite na sila ng apela para mapigilan ang paglabas ng warrant of arrest.
- Latest
- Trending