Aussie dinakip sa mga dalang bala sa NAIA

MANILA, Philippines - Isang Australian na­tional ang dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) matapos makumpiskahan ito ng mga bala sa dala nitong mga maleta sa Ninoy Aquino International Air­port Terminal 3 kaha­pon ng umaga.

Base sa report na isi­numite nina Customs Ins­pectors Francisco Ople at Emily Timbal  sa tanggapan ni Cus­toms Commissioner Ruf­fy Biazon, kinilala ang dayuhang nadakip na si Andrew David Straoud, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat, dakong alas-7:55 ng umaga sa departure area ng NAIA Terminal 3 ay papaalis na sana ang suspek  sa bansa at patungo ng Bangkok pasakay sa Philippine Airlines   PR 730.

Habang dumadaan  ito sa x-ray machine upang magsagawa ng inspection sa mga bagahe ay napansin  ng mga tauhan ni Biazon ang 45 pirasong bala ng kalibre 9mm.

Nang sitahin at ha­na­­pan ng permit sa pag­dadala ng mga bala ay wala itong ma­ipakitang kaukulang do­ku­mento kung kaya’t kaagad itong inaresto na posibleng maharap sa ka­song illegal possession of ammunition at pagla­bag sa Comelec gun ban.

 

Show comments