^

Police Metro

Gamit ng 2 pasahero tinangay ng taxi driver

Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nagbabala ang pulisya sa publiko na sumasakay sa mga taxi upang hindi sila ma­biktima nang pagtangay ng kanilang gamit tulad na nangyari sa dalawang pasahero kamakalawa sa Pasay City.

Nasa kabuuang P43,000 ang halaga ng mga gamit na nakalagay sa kanilang bagahe ang natangay sa mga biktimang sina Andrei Baltazar, 23, quality auditor,  residente ng Vizcarra St., Malibay at nurse na si Grace Vargas, 23 ng Sta. Isabela St., Maricaban.

Batay sa ulat, sumakay ang dalawang biktima sa pila ng taxi sa Trinoma Mall sa Quezon City at dumating pasado alas-10:00 ng gabi sa Andrew Avenue, Pasay City.

Unang bumaba ng sasak­yan si Vargas upang kunin ang kanilang bagahe sa com­partment ng taxi na may plakang UGV-274 habang nagbabayad ang kasa­mang si Baltazar.

Matapos makapagbayad, bumaba na rin si Baltazar at inutusan ang driver na buksan ang compartment, subalit pinaharurot ng driver ang taxi patungong EDSA.

vuukle comment

ANDREI BALTAZAR

ANDREW AVENUE

BALTAZAR

GRACE VARGAS

ISABELA ST.

PASAY CITY

QUEZON CITY

TRINOMA MALL

VIZCARRA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with