Amalilio may ‘kapit’ sa Malaysia

MANILA, Philippines - Mayroon umanong posibleng tao na protector sa bansang Malaysia  ang utak ng multi-billion  peso pyramiding scam  na si Manuel Amalilio, may-ari at nagtatag ng Aman Futures Group Philippines, Inc.

Ito ang paniniwala ni Justice Secretary Leila de Lima base sa kanilang natanggap na mga impormasyon  na may nagbibigay ng proteksyon kay Amalilio sa nasabing bansa.

Nilinaw din ni De Lima  na mali ang mga naglabasang ulat o espekulasyon na ang pagkakaroon ng protector sa Malaysia ang dahilan kaya nabalam ang pagbabalik ni Amalilio sa bansa.

Sinabi ni De Lima na may kaso rin sa Malaysia si Amalilio bukod pa sa kaliwa’t kanang demanda sa Pilipinas na bunga ng P12-B pyramiding scam.

Naniniwala si De Lima na hindi magtatagal ay maibabalik din sa bansa si Amalilio upang harapin ang mga natu­rang demanda.

 

Show comments