Padyak boy, itinumba

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang 30-anyos na pedicab driver ng isang hindi pa nakikilalang suspek habang ang biktima ay namamasada kasama ang kanyang live-in-partner sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Medical Center ang biktimang si Jeffrey Callano ng 310 F. Varona St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa mukha.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na armado ng  kalibre 38 baril na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa report ni Det. Rodel Benitez ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-11:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa Moriones St., malapit sa kanto ng Road 10, Tondo.

Habang namamasada ang biktima kasama ang kanyang live-in partner na si Liezel nang lapitan sila ng suspek at walang sabi-sabing binaril ito.

Agad na dinala sa hospital ang biktima pero nalagutan ito ng hininga sa kalsada pa lamang.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay at ang pagkaka­kilanlan ng salarin.

Show comments