MANILA, Philippines - Dedo ang siyam na katao, kabilang ang isang pulis matapos ambusin ng armadong grupo ang sinasakyang truck ng mga biktima sa Negros Occidental, kahapon ng madaÂling-araw.
Ayon sa inisyal na ulat ng Negros Occidental Police, ang grupo ng mga armadong kalalakihan ay tinambangan ang sinasakÂyang Canter truck ng mga biktima sa may paanan ng bundok Kanlaon, sa bayan ng La Castellana Negros Occidental, ganap na alas-3:00 ng madaling-araw.
Sinasabing papunta ang mga biktima sa pagdiriwang ng piyesta sa nasabing lugar para umaÂlalay sa pagpapanatili ng katahimikan sa piyesta nang tambangan ng mga armadong suspek ang sinasakyang truck.
Isa sa mga nasawi ay kagawad ng Philippine National Police (PNP), limang miyembro ng Barangay Patrol Action Team (BPAT), dalawang sibilÂyan at ang truck driver.
Dalawa pang pulis ang sinasabing sugatan at dinala na sa ospital para maÂgamot.
Hinala ng mga awtoridad na ang mga suspek na umatake sa mga biktima ay mga New PeoÂples Army (NPA) dahil may narinig na sigaw na “Mabuhay ang NPA†matapos ang insidente.
Nagsasagawa na ng checkpoint at manhunt operations ang awtoridad laban sa mga salarin.