^

Police Metro

2 ‘agaw taxi’ napatay

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta sa mga ta­uhan ng mobile patrol unit ng Fairview Police Station 5 ang dalawang karnaper na miyembro ng ‘agaw taxi gang’ matapos makipagbarilan sa mga pulis habang  tinatangkang agawin ang isang  pampasaherong taxi mula  sa driver nito sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang dalawang hindi pa nakiki­lalang suspek na inilarawan lamang ang isa na tinatayang nasa 25-30-an­yos, 5’5” ang taas, nakasuot ng kulay itim na sweat shirt at maong pants, habang ang isa ay nakasuot naman ng kulay pulang t–shirt, maong pants, may taas na 5’5” at tinatayang nasa edad na 28-32.

Sa imbestigasyon na isinagawa ni PO2 Jaime Samson, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-3:30 ng mada­ling-araw sa kahabaan ng Commonwealth sa harap ng SSS Subdivision sa Brgy. North Fairview sa lung­sod.

Ayon sa report, habang nagpapatrulya  sina SPO3 Wahab Magundacan, at tatlo pang kasamahan lulan ng mobile QC-189 nang makita nila ang mga suspek sa loob ng  isang kulay puting Toyota Vios taxi na may plakang UWA-146 matapos hol­dapin ang driver na si Pedro Mina y Dela Cruz, 34 ng #24-C, Old Cabuyao, Brgy. Sauyo, Novaliches.

Sinasabing tinangka ng mga pulis na parahin ang mga suspek habang tangay nila ang taxi nang bigla umano silang paputukan kaya napilitang gumanti ang  mga awtoridad at magkaroon ng ‘running gun battle’.

Sa loob ng ilang minutong habulan at barilan ay nasukol ang mga suspek na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, lumilitaw na mi­yembro ng notorious na agaw taxi gang ang dalawa na kapag pumalag ang kanilang bibiktimahing taxi driver ay kanilang papatayin.

 

vuukle comment

BRGY

DELA CRUZ

FAIRVIEW POLICE STATION

JAIME SAMSON

NORTH FAIRVIEW

OLD CABUYAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with