13-anyos tinangay, minolestiya sa sinehan
MANILA, Philippines - Isang 54-anyos na lalaki ang dinakip ng pulisya maÂtapos na ireklamo ito nang pagdukot sa Caloocan City sa isang 13-anyos na dalagita at dinala loob ng isang sinehan sa Maynila at minolestiya.
Ang suspek ay nakilalang si Rogelio Lantano, ng LinÂcoln St., Barangay Malinta, Valenzuela City.
Batay sa ulat, alas-11:40 ng umaga ay naglalakad sa Rizal Avenue Ext., Caloocan City ang biktima pauwi sa bahay nang dambahin ng suspek at tinakot na papatayin kaya’t wala itong nagawan nang dalhin sa SM Manila at ipinasok sa loob ng sinehan.
Sa loob ng sinehan ay minolestiya ang biktima at pagkatapos makaraos ay binigyan ang una ng P100 upang huwag magsumbong.
Pagkauwi ng bahay ay agad na sinabi ng biktima sa magulang ang pangyayari at agad na inireport sa pulisya na nagsagawa ng follow-up operation kung saan tinangay ang biktima at dito ito naaresto.
- Latest
- Trending