^

Police Metro

12 sugatan sa LPG blast

Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Labindalawang katao ang nasugatan matapos na sumabog ang tangke ng liquified petroleum gas (LPG) kamakalawa ng gabi, sa Sta. Mesa, Maynila.

Isinugod sa Sta. Ana Hospital sina Federico La­bao Jr., 32; Franciso Escorma, 39; Rose Marie Nieto, 9; Joan Cañada, 40, buntis; Nilo Cañada, 49; Gerald Baguio, 33, na may pinakagrabeng lapnos sa katawan; Ferdinand Funtado, 44; at Michael Jara, 33.
Dinala naman sa Unciano Hospital sina Coleen Kabalatungan, 36; Cedric Labao, 2, na may sugat sa ulo at braso; Uldarico Kabalatungan na tinamaan sa paa at braso; at John Ervic Ednilan, 1, na tinatahi ang ulo dahil sa pagkabiyak at ama nitong si Joel Ednilan, na nagtamo rin ng sugat.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi  matapos umanong magluto  sa LPG ang mga nakatira sa ikalawang palapag ay bigla itong sumabog at nabutas ang kongkretong pader na tumagos sa ikatlong pa­lapag ng nasabing apartment.

 

ANA HOSPITAL

CEDRIC LABAO

COLEEN KABALATUNGAN

FEDERICO LA

FERDINAND FUNTADO

FRANCISO ESCORMA

GERALD BAGUIO

JOAN CA

JOEL EDNILAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with