3 NPA dedo, 3 sundalo sugatan sa bakbakan

MANILA, Philippines - Napatay ang tatlong pi­naghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang tatlo namang sundalo ang nasugatan sa naganap na bakbakan sa Brgy. Mati, Tigbao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat, bandang alas-2:45 ng hapon nang ma­ganap ang engkuwentro sa Sitio Maimbong, Brgy. Mati, Tigbao ng lala­wigang ito habang nagsasagawa ng security patrol operation ang tropa ng Scout Ranger Company sa ilalim ng  Army’s 102nd Infantry Brigade nang masabat ang may 80 armadong rebelde.

Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig hanggang sa umatras ang mga rebelde matapos mapatay ang tatlo nilang kasamahan at binitbit ang mga na­sugatang kasamahan.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang AK 47, M14 at M1 Garand rifles na na­iwan ng mga rebelde.

Show comments