Pinoy drug mule kinasuhan sa DOJ
MANILA, Philippines -Isang Pinoy drug mule na galing Hong Kong na naaresto kamakailan ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) dahil sa tangkang pagpupuslit ng multi-milyong halaga ng shabu sa bansa ang pormal na kinasuhan kahapon sa Department of Justice (DOJ) ni Customs Commissioner Ruffy Biazon.
Kinasuhan ng paglabag sa Section 3601 and Section 2530 of the Tariffs and CusÂtoms Code of the Philippines (TCCP) at Comprehensive Dangerous Drug act of 2002 ang suspek na si Rosendo B. Ariata.
Batay sa ulat ni Biazon, na si Ariata ay sakay ng Philippine Airlines Flight PR 307 at nadakip ng kanyang mga tauhan noong Enero 8 ng taong kasalukuyan sa NAIA, TerÂminal 2 matapos itong maÂkumpiskahan ng 7.0486 kilong methampethamine hydrochloride mas kilala sa tawag na shabu, na nagÂkakalaga ng P56 milyon na nakalagay sa 7 kahon ng powÂdered milk.
Ang BoC ay nakaaresto na ng 7 dayuhan ng drug couÂrier sa loob lamang ng third quarter ng taong 2012 at umaabot sa 20 kilong shabu na may halagang P163 milÂyon ang nakumpiska.
- Latest
- Trending