^

Police Metro

Marantan atbp. sasampahan na ng kaso sa ‘Atimonan 13’

Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nakatakda nang sampahan ng kasong admi­nistratibo sina P/Supt Hansel Marantan (inili­pat na kahapon sa PNP Ge­neral Hospital mula sa St. Lukes Hospital Global City) at 21 opisyal at tauhan na sangkot sa madugong shootout na pinagduda­hang rubout na ikinasawi ng 13 katao noong Enero 6 sa Atimonan, Quezon.

Sa pulong balitaan, inihayag kahapon ni PNP Chief Director Ge­neral Alan Purisima na inapru­bahan na niya ang re­ko­men­dasyon ni P/Director Alexander Roldan, Inspector General ng PNP  Internal Affairs Service na isulong ang kasong administratibo laban sa na­turang mga pulis.

Bukod kay Marantan, kinasuhan din sina P/Supts. Ramon Balauag; Valeriano de Leon P/CInsp Grant Gollod; P/SI John Paulo Vivas Carrcedo; P/Insps. Timoteo Orig; Ferdinand Aguilar; Evaristo San Juan; SPO3 Joselito Q, De Guzman; SPO1s  Claro L Cataquiz Jr.; Arturo Comia Sarmiento; PO3s Eduardo L. Oronan; Benedict Dimayuga; PO2s Nelson  Pindal; Al Bhazar K Jailani; Ronnie Serdena; Esperidion Corpuz, PO1s Wryan B. Sardea; Rodel Talento; Allen C Ayobo; Espeidion L. de Leon, at P/Chief Supt James Melad.

Ang nasabing mga pulis ay isinasailalim sa restrictive custody sa Camp Crame upang mabilis ang mga itong maiharap habang gumugulong na ang proseso ng kasong administratibo laban sa mga ito.

Sa kaso naman nina Melad at De Leon, sinabi ni Purisima na inatasan na niya ang PNP Internal Affairs Service upang kumuha ang mga ito ng ‘presidential clearance’ para sa pre charge investi­gation sa ilalim ng ‘command responsibility’ sa na­sabing kaso.

Ipinaliwanag ni Purisima na ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa nasabing mga opisyal ay bahagi ng pro­se­song administratibo na isinasagawa ng PNP upang maisaayos ang mga pagkakamali at pagkukulang sa isinasagawang mga operasyon.

Kabilang dito ay wala sa hurisdiksyon ng Atimonan Police ang Plaridel, Quezon kung saan nakalatag ang unang checkpoint ng grupo nina Marantan may 5 metro ang layo sa pinangyarihan ng shootout sa Maharlika high­way sa Atimonan, Que­zon; ikalawa ay hindi na­kasuot ng uniporme ang 15 sa mga pulis at ikatlo ay ang mga dapat bumuo sa nasabing operasyon.Ang panghuli ay walang marked vehicle sa ikalawang checkpoint.

Aminado naman si Pu­risima na nalagay sa “bad light” ang buong organi­sasyon ng PNP bunga ng Atimonan shootout.

AL BHAZAR K JAILANI

ALAN PURISIMA

ALLEN C AYOBO

ARTURO COMIA SARMIENTO

ATIMONAN

ATIMONAN POLICE

INTERNAL AFFAIRS SERVICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with