^

Police Metro

Van hold-up: 3 holdaper utas

Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi napakina­ba­ngan ng tatlong holdaper ang ka­nilang nakulimbat sa mga pasahero ng isang UV Express Van matapos na sila ay mapatay ng mga pulis sa isang engkuwentro kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang tatlong nasa­wing suspek ay inilarawan ng pulisya na ang isa ay nasa pagitan ng edad 25-30; may taas na 5’4”; nakasuot ng itim na t-shirt; asul na short; may tattoo na “Roma,” “Dare Cruz,” at “Bong Anthony” sa buong katawan; ang ikalawa ay may taas na 5’7”, nakasuot ng itim na t-shirt checkered shorts at kulay brown na tsinelas at ang ikatlo ay nakasuot ng itim na t-shirt, itim na shorts at kulay brown na cap, at may mga tattoo na “Eric,” “Dave Greg,” at “Teresita Mercado” sa buong katawan.

Batay sa ulat, bago naganap ang engkuwen­tro sa kahabaan ng F. Del Mundo St., Brgy.Sauyo, Novaliches dakong alas-11:30 ng gabi ay sumakay ang mga suspek sa UV Express Van (PXL-555) at nagpanggap na mga pasahero.

Habang  ang tinatahak ang kahabaan ng Quirino Highway ay nagdeklara ang mga ito ng holdap pag­dating sa Seminary Road, Brgy. Bagbag.

Pinagtutukan ng baril ang mga pasahero at ki­nuha ang mga gamit at pagkatapos ay bumaba sa tapat ng Volvo Motors sa may Brgy. San Bartolome.

Dumulog ang mga biktimang sina Fatima Alog at Cyril Prado sa tanggapan ng Police Station-4 na agad hinabol ang mga suspek at  naabutan sa lugar.

Tinangka pa umanong pasukuin ng mga pulis ang mga suspek, pero sa halip na sumunod ay pinaputu­kan umano ng mga ito ang mga una na gumanti at napatay ang mga suspek.

Narekober sa lugar ang pitong basyo ng bala, isang kalibre 38 na may apat na bala, at isang kalibre 22 na baril at mga ka­gamitan na tinangay sa mga biktima.

vuukle comment

BONG ANTHONY

BRGY

CYRIL PRADO

DARE CRUZ

DAVE GREG

DEL MUNDO ST.

EXPRESS VAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with