^

Police Metro

Operator nahati ang katawan sa sumabog na makina

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nahati ang katawan ng isang machine operator habang apat nitong kasama ang nasa kritikal na kon­disyon matapos na sumabog ang isang makina sa paggawa ng gulong kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Bonbong Danding, 36, residente ng nabanggit na lugar. Habang nasa kri­tikal na kondisyon sa Va­lenzuela General Hospi­tal sina Segundo Enriqui­to, 34; Nedie Espinueva, 25; Reynaldo Espinosa, 32 at isang inaalam ang pagka­kakilanlan na pawang mga  manggagawa ng Pilipinas Tire Rubber Corpora­tion, na matatagpuan sa Colon Industrial Subdivision,  Tatalon St., Barangay Ugong ng lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga habang nagtatrabaho ang mga biktima ay biglang sumabog ang isang makina sa paggawa ng gulong.

Dahil malapit si Dan­ding sa  sumabog na makina ay ito ang grabeng napuruhan na kung saan ay tumama ang takip ng makina kaya’t nagkahiwalay ang ibang parte ng ka­tawan at naputulan pa ng paa.

Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng maluwag ang pagkaka-lock ng takip ng makina kaya’t nang ma-over pressure ay sumabog ito.

vuukle comment

BARANGAY UGONG

BONBONG DANDING

COLON INDUSTRIAL SUBDIVISION

GENERAL HOSPI

NEDIE ESPINUEVA

PILIPINAS TIRE RUBBER CORPORA

REYNALDO ESPINOSA

SEGUNDO ENRIQUI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with