^

Police Metro

6 Pinoy todas sa Algeria hostage

Ellen Fernando -

MANILA, Philippines -  Kinumpirma kahapon ni  Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Asec. Raul Hernandez sa isang pulong-balitaan base sa ulat ng Philippine Embassy team na ipinadala sa Algeria at Embahada sa London ay may anim na overseas Fi­lipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa In Amenas gas plant sa Sahara ang kasama sa 80 plant workers na nasawi mula sa atake ng Islamist militants noong Miyerkules habang apat pang Pinoy ang nawawala

Sinabi ni Hernandez, ang anim na Pinoy na nasawi ay nagmula sa Japanese companies bunsod ng tinamong  maraming tama ng bala sa katawan mula sa bombang sumabog.

Ipinapaalam na ng DFA sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas ang pagkasawi ng anim.

Hindi pa matukoy ng DFA kung sadyang pinatay ng mga Islamists kidnappers ang mga hostages o nasawi sa rescue at assault operations ng Algerian security forces na nagtapos noong Sabado.

Natagpuan ang karagdagang 25 hostages na pawang mga patay noong Linggo sa isang bahagi ng gas plant.

May 30 dayuhang manggagawa pa ang patuloy na pinaghahanap na kinabibilangan ng apat na Pinoy, at mga  Americans, British, French, Japanese, Norwegian at Romanian nationals.

Dahil dito, posibleng umakyat pa umano ang bilang ng mga nasawi sa insidente.

Magugunita na kara­mihan sa mga hostages ay sinabitan o sinuotan ng bomba ng mga Islamists militants sa kasagsagan ng hostage-taking sa gas plant.

vuukle comment

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

IN AMENAS

ISLAMISTS

PHILIPPINE EMBASSY

PINOY

RAUL HERNANDEZ

SPOKESMAN ASEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with