^

Police Metro

Coplan Armado hindi aprubado ng PAOCC

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtungo kahapon si Executive Director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Chief Supt. Reginald Villa­santa, upang ipakita ang kanilang pakikiisa  sa ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa pagkamatay ng 13 katao sa  Atimonan, Quezon noong Enero 6.

Dito ay inihayag ni Villasanta na hindi pinahintulutan ng PAOCC ang pagsasagawa ng Case Operations Plan Armado na mas kilala ngayon bilang Coplan Armado at katunayan ay mayroon silang nilagdaang board resolution na hindi ito inaprubahan dahil sa kakulangan sa documentation na mahalagang rekisito  upang matukoy ang viability and feasibi­lity  ng operasyon.

Ang Coplan Armado ay isinumite nina P/Supt. Hansel Marantan, Police Supt. Glenn Dumlao at Police Chief Supt. James Melad noong Nobyembre  2012 at sila ay nagpalabas ng P100,000 para lamang sa case build up o im­bestigasyon at hindi iyon pondo para sa operas­yon na nauwi sa madugong insidente.

Kabilang aniya sa hinihinging requirement ay ang memo directive o endorsement mula sa mother unit at mga impormasyon kaugnay sa mga bumubuong agent at mga target.

Ipinaliwanag  pa ni Villasanta  na ang mandato ng PAOCC ay mag­kaloob ng suporta sa mga law enforcement agency sa pamamagitan ng technical, legal at financial assistance upang mapagtuluy-tuloy at mapalakas  ang kampanya ng pamahalaan na mabuwag  ang mga organisadong armadong grupo. - Ludy Bermudo, Rudy Andal -

 

ANG COPLAN ARMADO

CASE OPERATIONS PLAN ARMADO

CHIEF SUPT

COPLAN ARMADO

EXECUTIVE DIRECTOR

GLENN DUMLAO

HANSEL MARANTAN

JAMES MELAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with