^

Police Metro

Nakapasok na ng bahay sinundan pa rin… mag-asawang trader itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ika-apat na araw sa pagpapatupad ng gun ban dahil sa nalalapit ng midterm election, isang mag-asawang negosyante ang pinagba­baril ng mga hindi pa kila­lang suspek kamakalawa ng gabi sa Sagay City, Negros Occidental.

Ang mag-asawa na na­sawi noon din sa loob ng kanilang bahay ay nakilalang sina Amelita, 45 at Ronilo Pacheo, 44; dahil sa tinamong mga tama ng bala ng cal 9 MM pistol.

Nabatid na ang mag-asawa ay nagmamay-ari ng isang sikat na video­ke at sari-sari store sa ka­ni­lang lugar.

Batay sa imbestigas­yon ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi ay nasa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Bato ang mag-asawa nang bigla na lamang sumulpot ang mga armadong salarin at pagbabarilin ang mga ito.

Nakita ng mga kapitbahay na kahit may tama na ang mag-asawa ay na­gawa pang makatakbo sa loob ng kanilang bahay, subalit sinundan sila ng mga suspek at tuluyang tinapos.

Narekober naman ng mga nagrespondeng otoridad ang mga basyo ng bala ng cal 9 MM pistol.

Pinaniniwalaan namang isang lumang alitan ang motibo ng pamamaslang sa mag-asawa na nangyari sa kasagsagan ng pagpapatupad sa election gun ban ng Comelec.

AMELITA

BATAY

BATO

BRGY

NEGROS OCCIDENTAL

RONILO PACHEO

SAGAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with