^

Police Metro

2 Dayuhan huli sa droga

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang dayuhan, ang isa ay babaeng Thai national at isang Swedish national ang dinakip ng mga awtori­dad sa magkahiwalay na pagsalakay sa Taguig at Para­ñaque City, kamakalawa.

Unang naaresto ng Ta­guig police ang suspek na si Anna P. Roengsamran, alyas Thailander, 40-anyos, na naninirahan sa #164-E Manalo Apartment, Holy Family Village, Bagumba­yan, Taguig, ganap na alas-4:00 ng hapon.

Sumunod na dinakip ang isang Swedish national na si Bjarne S. Chelin, 65 na pansamantalang nanunuluyan sa 1EB Annex 38, Barangay Don Bosco, Parañaque City, ganap na alas-11:30 ng gabi.

Ayon sa report,  matagal ng under surveillance ang dalawang dayuhan dahil na rin sa impormasyong na­karating sa pulisya na nag­tutulak sila ng droga.

Nang makumpirma sagkot nga sa illegal ‘drug trade’ ang dalawang suspek ay agad na isinagawa ang buy-bust operation na nagresulat ng kanilang pagkakaaresto.

Kapwa nahaharap nga­yon sa kasong drug pushing ang dalawang suspek.

 

vuukle comment

ANNA P

AYON

BARANGAY DON BOSCO

BJARNE S

E MANALO APARTMENT

HOLY FAMILY VILLAGE

SHY

TAGUIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with