^

Police Metro

Bata dedo sa bumagsak na bubong

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 9-an­yos na batang babae matapos na mabagsakan ito ng bubong ng waiting shed habang nakikipaglaro sa kanyang mga kaklase sa Pasig City, kamakalawa ng alas-5:00 ng hapon.

Ang nasawi ay kinilalang si Jessabelle Ho­merez, 9, grade 1 student at residente ng #1469 Santan St., Ismar, Brgy. Kalawaan, Pasig City.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, nabatid na noong nakalipas na buwan ay tinanggal ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bubong ng waiting shed dahil itinaas ang pader ng Pasig River.

Nang muli umanong ilagay ang bubong ng waiting shed ay itinali lamang ng alambre kaya ito bumigay nang maglaro sa lugar ang mga bata.

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya upang matukoy kung sino ang dapat managot sa pagkamatay ng bata.

 

vuukle comment

BRGY

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ISMAR

JESSABELLE HO

KALAWAAN

MASUSING

PASIG CITY

PASIG RIVER

SANTAN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with