^

Police Metro

1 tinedyer todas, 1 pa kritikal sa salpok

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang tinedyaer habang nasa malubhang kalagayan ang kasama nito matapos na sila ay masalpok ng isang kotse na minamaneho ng isang Korean national habang tumatawid kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Kawit-Noveleta Diversion Road, Barangay Batong Dalig, Kawit, Cavite.

Ang nasawi ay nakilalang si Arby Joy Basobas, residente ng Parañaque City habang kritikal naman si Rogielyn Antolin, 17, student trainee sa Island Cove Resort at nakatira sa Moonwalk Village, Parañaque City.

Ang suspek na agad nadakip ay nakilalang si Choon Yoo Sik, 46, may-asawa, Korean national at residente ng Block 21, Lot 10, Mediterranean Ville, Dasmariñas City ng nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi ay tumatawid ang mga biktima sa nasabing lugar at ng nasa kalagitnaan na sila ng kalsada ay bigla na lamang silang nasalpok ng Toyota Vios (NIJ-563) na minamaneho ng suspek.

Isinugod sa Divine Grace Hospital ang mga biktima, subalit idineklarang dead-on-arrival si Basobas.

vuukle comment

ARBY JOY BASOBAS

BARANGAY BATONG DALIG

CHOON YOO SIK

DIVINE GRACE HOSPITAL

ISLAND COVE RESORT

KAWIT-NOVELETA DIVERSION ROAD

MEDITERRANEAN VILLE

MOONWALK VILLAGE

ROGIELYN ANTOLIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with