Enrile namudmod ng pondo sa mga senador
MANILA, Philippines - Nagkakahalaga ng P2.218 milyon bawat isang senador ang ipinamudmod ni Senate President Juan Ponce Enrile sa karagdagang pondo sa ilalim ng MOOE o “maintenance and other operating expensesâ€.
Agad din na nilinaw ni Enrile na hindi suhol ang nasabing pondo para manatili siyang senate president at hindi labag sa Konstitusyon ang kaniyang ginawa.
Nilinaw din ni Enrile na hindi ito ang unang pagkakataon na tumanggap ang mga senador ng karagdagang MOOE na kinukuha sa natipid ng Senado sa loob ng isang taon.
Isa rin sa pinagkukunan ng natitipid ng Senado ang bakanteng puwesto matapos mahalal na presidente si Pangulong Benigno Aquino III na isang dating senador.
Subalit, hindi umano isinama ni Enrile ang sarili sa dagdag na pondo at ang apat na senador na sina Senators Miriam Defensor-Santiago, Alan Peter-Cayetano, Pia Cayetano, at Antonio Trillanes.
Ang pondong hindi umano ibinigay sa apat na senador at maging ang nakalaan para kay Enrile ay inilaan sa “other expenditures†ng Senado.
- Latest
- Trending